[by Athena Yap]
Puro hinala pa lamang ang mga netizen kung boyfriend nga ba ni Nadine ang french guy from Siargao na si Christophe Bariou.

Maraming litrato ang lumalabas na magkasama sila at isa sa pinaka almost confirmation para sa mga netizen ay ang litrato ni Nadine kasama si Bariou at ang pamilya ng foreign guy.
Pero sa huling IG story ni Nadine, tila nakumpirma na ng aktres na ang french guy na nga ang nagpapatibok ng puso niya ngayon dahil may IG story ang aktres na litrato ni Bariou.
Halo-halong emosyon ang bumalot sa mga netizen nang makita ito.
Ang iba ay kinilig at natuwa dahil suportado pa rin naman nila ang aktres kahit hindi na si James Reid ang partner nito.
Pero hindi mawawala ang mga netizen na basag talaga ang puso dahil umasa na forever ang Jadine. #DM
0 comments on “Nadine Lustre pinost ang rumored boyfie for the first time”