
156 patay matapos ang pananalasa ni Odette – NDRRMC
Umabot na sa 156 indibidwal ang naiulat na nasawi sa hagupit ng Bagyong Odette, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nitong Martes (Disyembre 21).
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ang malaking bilang ng mga nasawi ay nanggaling sa Bohol na 68 ang naitalang namatay at 54 ang nasawi naman sa probinsya ng Cebu.
275 naman ang naitalang sugatan mula sa Cebu, Bohol, Negros Oriental, Bukidnon, Misamis Oriental, at Butuan City.
Nasa bilang na 37 naman ang nawawala mula sa Palawan, Negros Oriental, Agusan del Sur, Bohol at Cebu.
Sa pagtatala naman ng Philippine National Police (PNP), umabot na sa 375 katao ang nasawi sa bagyo. Habang 515 indibidwal ang sugatan at 56 pa ang nawawala.
Sa mga naitalang numero na ito, sinabi ng Office of Civil Defense na lilinawin nila ang mga datos na inilalabas ng iba pang mga ahensya at maglalabas ng mas kongkretong pag-uulat.
Patuloy pa rin sa pagsasagawa ng tulong at paghahanap sa mga napaulat na mga nawawala nating mga kababayan matapos hagupitin ng Bagyong Odette. #DM