Direk Paul, kinuyog ng mga netizen sa Twitter post nito dahil sa ‘resibo’ ng TV shoot ng ‘Unity’ ad matapos hindi dumalo si BBM sa Comelec hearing

Read Time:1 Minute, 16 Second

Trending sa Twitter si direk Paul Soriano matapos kumalat ang mga litrato ng kaniyang behind-the-scenes ng kaniyang TV shoot sa advertisement ng Bongbong Marcos-Sara Duterte tandem.

Napansin kasi ng mga netizen ang petsang nakalagay sa clapper (January 28) kung saan makikitang nagsagawa umano sila ng shooting, gayong nitong Enero 7 ay hindi dumalo si BBM sa hearing ng kaniyang disqualification case sa Comelec dahil kailangan niyang sumailalim sa isolation, dahil sa COVID symptoms na naranasan noong Enero 6.

Isang medical certificate kasi ang nailabas na may petsang Enero 7.

Pinutakte ito ng kontrobersiya at mga katanungan ng mga netizen tungkol kay BBM at Paul Soriano kung totoo nga ba na may sakit umano ang presidential aspirant? Kung bakit umano raw ito nakadalo sa TV shoot? At kung nalabag daw ba ang health protocols?

Ipinupukol din ng isyung baka naman daw hindi talaga totoo ang dahilan ni BBM kaya hindi ito nakadalo sa Comelec hearing noong Enero 7, base na rin sa inilabas na medical certificate mula sa kaniyang doctor.

Dahil sa pangyayaring ito, agad namang ipinaliwanag ni Direk Paul ang kaniyang panig sa pamamagitan ng tweet, kalakip ang ilang mga litrato.

Aniya totoo na may shoot noong Enero 8 subalit hindi kasama rito sina BBM at Sara. Kundi ang mga kasama lang ni Paul ay ang kaniyang mga staff at crew. Ang nakita umano ng mga netizen ay ang mga nauna na nilang shooting, kaya inakala nilang kasama rito si BBM at Sara sa nasabing shooting noong Enero 8. ###

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Experience space and astronomy at NAW 2022
Next post KASAL-INAS, UMARANGKADA NA
%d bloggers like this: