NATIONAL NEWS PULITIKA

VP Leni mas pinipili ng mga ekonomista na pamunuan ang Philippine economic recovery kaysa Bongbong Marcos

Ikinababahala ng International economics na maaaring malagay sa malalang kalagayan ang ekonomiya ng ating bansa kung sakaling manalo ang dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa panguluhang pwesto sa darating na Mayo 9, 2022.

Sinabi ng capital Economics na “far from encouraging” o malayo sa paghihikayat ang plano ni Marcos Jr. para sa pang-ekonomiyang paghilom mula sa nagpapatuloy na pandemya, gayundin ang samu’t saring kontrobersiya tungkol sa kaniya.

“It is unlikely the situation will improve under Mr. Marcos and could easily get worse,” saad ni Alex Holmes isang ekonomista.

“If he is elected, it would only reinforce our view that this underperformance will continue,” dagdag pa ni Holmes.

Aniya, mas gugustuhin umano ng iba pang mga ekonomista na manalo si Vice President Leni Robredo sa panguluhang pwesto dahil sa may kakayahan itong mamuno sa paghilom ng kalugmukan ng ating ekonomiya.

Iniugnay din ni Holmes ang mga elementong tulad ng nepotismo at kakulangan ng karanasan sa pulitika, aniya, malaking sangkap ang pagtindig sa pang-ekonomiyang pagpapalakas kung ang kandidato ay may sapat na kaalaman at kakayang harapin at pamunuan ang lagay ng ating ekonomiya at ang pandaigdigang ekonomiya.

“Presidential candidates in the Philippines do not tend to run on detailed policy platforms, and Marcos is no exception,” ani Holmes. ###

[Photo courtesy: CNN Philippines]

Source: https://www.msn.com/en-ph/news/other/vp-leni-robredo-better-for-ph-economic-recovery-than-bongbong-marcos/ar-AAU60U9?ocid=msedgntp

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “VP Leni mas pinipili ng mga ekonomista na pamunuan ang Philippine economic recovery kaysa Bongbong Marcos

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: