Entertainment Hollywood

Ariana Grande humanga sa libu-libong kumanta ng “BreakFree”

[by Athena Yap]

Mahigit 100,000 katao ang dumalo sa naganap na Campaign rally nina VP Leni at Kiko Pangilinan.

Sinakop na ng mga taga-suporta ang buong Emerald Avenue Street sa Pasig City pati na rin ang ilang bahagi ng iba pang gusali na kalapit nito. 

Nag-perform ang isang impersonator ni Ariana Grande at doon nangyari ang sabay-sabay na pagkanta ng mga pinoy sa kantang “Break Free”.

Kinabukasan ay halu-halong emosyon ang mga kakampink nang makita na nirepost ni Ariana Grande sa IG story niya ang naturang kaganapan.

At syempre pa, lalong natuwa ang mismong impersonator ni Ariana. #DM

%d bloggers like this: