Read Time:3 Minute, 2 Second

(Huli at Ikalawang Bahagi)

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

MAY ISA PANG BATAYAN upang matiyak ang katatagang pampulitika ng isang bansa. Dapat malaman kung may mga pangkat ng rebelde na may magkakaibang ideolohiya na ginugugulan ng pamahalaan ng malaking halaga upang masugpo ang kanilang pag-aalsa.

Kung mayroon, ito’y malakas magpahina ng bansa at tiyak na magpapabuway sa katayuan nito.

Sa kabilang dako, kung nais nating matiyak ang katatagan ng ekonomiya (kabuhayan) ng isang bansa, dapat ay mas malaki ang ini-eksport kaysa ini-import nitong produkto mula sa ibang bansa, kung ito’y may higit sa isang likas na kayamanang pinakikinabangan nito, kung ito’y may sariling pinanggagalingan ng enerhiya, at kung gaano kalaki ang pagbaba ng halaga ng pananalapi (inflation) nito, kung mayroon man.

Kung negatibo o salungat sa mahahalagang palatandaang ito ang kabuhayan ng isang bansa, tiyak na hindi matatag ang kalagayan ng nasabing bansa. Ito’y mahina at mabuway.

Bukod sa mga nabanggit na, mayroon pa rin ibang dapat isaalang-alang: Ang pambansang pagkakaisa. Nagkakaisa o nagkakasalungatan ba sa kultura at sa paninindigan ng pamahalaan ang mga mamamayang bumubuo sa bansa?

Ang mga mamamayan ay may iba’t ibang paksyong kinabibilangan na karaniwan ay may kaugnayan sa pananampalataya. Sa Iran, halimbawa, ay may paksyong Kristiyano, Hudyo, Moslem, Kurso, Azerberjanis, at iba pa. Lahat ba ng paksyong ito ay kapanalig ng pamahalaan? Kung hindi, malaking kabawasan ito sa katatagan ng bansa.

Maging ang populasyon ay may epekto sa katatagan o kabuwayan ng isang bansa. Ang isang bansang lumalaki ang populasyon nang dalawang porsiyento sa isang taon ay hindi matatag kaysa isang bansang ang populasyon ay lumalaki lamang ng isang porsiyento sa isang taon sapagkat mas maraming bibig ang pakakainin ng una.

Sa isang bansa na ang karamihan ng mga mamamayan ay nagluluwasan sa mga lungsod upang doon magsipanirahan dahil sa paghahanap ng trabahong mapaghahanapbuhayan ay isa ring malaking suliranin ng pamahalaan. Ito’y malaking kabawasan sa bilang ng mga magsasakang sumusustento ng pagkain ng mga mamamayan, lalo na ng mga naninirahan sa lungsod.

Kapag ganito ang nangyari, mapipilitang umangkat ng pagkain lalo na ng bigas at arina ang pamahalaan sa ibang bansa. Isa itong pagkakagastusan nang malaki, samakatuwid ay malaking kabawasan sa pananalapi ng bansang kinakapos ng sariling aning makakain.

Sa paghantong ng isang bansa sa ganitong kalagayan ay tiyak na mabuway ang katayuan nito.

Ang pagbabago sa lipunan na impluwensya ng makabagong panahon ay nagbibigay din ng mahahalagang palatandaan ng pagiging matatag o mabuway ng isang bansa.

Ang kawalan ng hanapbuhay ng maraming mamamayan sa kanilang bansa ay laging nagbubunga ng iba’t ibang krimen: Pagrerebelde, pagkagumon sa droga o pinagbabawal na gamot, lalo na ng mga kabataan; panunulisan, gaya ng panghoholdap, pamimirata, panloloob, pagnanakaw, panggagantso at pandaraya, pagkawasak ng pamilya na kung ang isa sa mag-asawa ay nagtatrabaho sa ibang bansa, at sinuman sa kanila ay magtaksil o kapwa sila magtataksil sa isa’t isa; pandarambong ng mga opisyal ng pamahalaan sa kabang-bayan; maling oryentasyon, taliwas na edukasyon at wasak na kulturang pinangingibabawan ng iba’t ibang kulturang dayuhan.

Kung higit na marami sa mga sakit na ito ng lipunan ang namamayani sa isang bansa, at idagdag pa rito ang mahinang ekonomiya at palpak na pamamalakad ng gobyerno ay tiyak na mabuway ang katayuan ng bansa at hindi malayong bumagsak pa ang pamahalaan nito.**

*Written by Danilo P. Cruz & written for Diyaryo Milenyo Digital News.

[A seasoned journalist, Mr. DPC was an instrumental cog in the information and public affairs machinery of former PFVR in his days at the Department of National Defense. A newspaperman with stints in the Manila Chronicle, Manila Bulletin and the Press Foundation of Asia (PFA), he continues to write for the Manila Bulletin, Kalayaan Ngayon and DiyaryoMilenyo.]

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DTI, USAID mobilize “Fish Right” Program for marine supply chain development in MIMAROPA
Next post Leading Japanese electric motors manufacturer to invest P40B for expansion in Subic

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: