
121 Patay, 3M apektadong Pamilya, at P4.7B pinsala sa Agrikultura at Imprastraktura dulot ng bagyong Paeng – NDRRMC
Umabot na sa bilang na 121 katao ang nasawi at P4.7 billion ang mga napinsala sa agrikultura at imprastraktura sa bansa dulot ng hagupit ng bagyong Paeng, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRM) ngayong araw, November 2.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Kumpirmado ang 92 na mga nasawi sa bagyong Paeng, habang 29 pa rito ang kasalukuyang bina-validate.
103 naman ang nasugatan at 36 naman ang missing.
Samantala, sumipa na sa kabuoang bilang na 3,180,132 indibidwal o 927,822 families ang lubos na naapektuhan nang bagyong Paeng sa bansa.
11,294 mga nasirang kabahayan; 9,190 ang partially damage at 2,104 ang tuluyang nawasak na mga kabahayan.
Tinatayang nasa P1,278,940,052.58 ang nasira sa agrikultura at kabuhayan habang P3,425,666,061.73 naman sa imprastraktura.
P71,590,264.19 ang naiabot na tulong ng gobyerno para sa mga higit na nasalanta ng bagyong Paeng. ##
Source: NDRRMC / The Manila Times
Photo: bitagmedia.com