
Presyo kada kilo ng kamatis, halos triple ang itinaas sa Metro Manila
Ikinababahala ngayon ng mga konsyumer ang biglaang pagtaas ng presyo kada kilo ng kamatis na halos triple ang itinaas.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Nagsimulang tumaas ang presyo ng kamatis nitong nakaraang linggo lamang na umabot na sa mahigit P200 kada kilo.
Noong Abril, kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na bumaba ang farmgate price ng mga kamatis sa P3 hanggang P5 kada kilo sa gitna ng oversupply. Aniya, iba-iba rin ang presyo ng retail ng mga kamatis sa iba’t ibang merkado sa buong bansa.
Matatandaan na ang presyo ng kamatis ay nasa pagitan ng P60 at P100 kada kilo noong Hulyo, bago ang pananalasa ng nagdaang Bagyong Egay.
Sa ngayon, ang presyo ng kamatis sa Metro Manila ay nasa P160 hanggang P210 kada kilo.
Bukod sa kamatis, apektado rin ang ibang gulay gaya ng Repolyo (P180), Carrot (200), Baguio Beans (240) at Patatas (160) kada kilo. Pero higit na naapektuhan ay ang kamatis.
Paliwanag naman ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal na tumaas umano ang presyo ng kamatis dahil dumadagsa ang mga buyer doon.
Sa ngayon ay pinag-aaralan na rin ng DA kung paano ito masosolusyonan kung sakaling tumagal ang pagtaas ng presyo ng kamatis hanggang sa Disyembre ng kasalukuyang taon.
KaMilenyo, ano’ng reaksyon mo sa nangangamatis na balitang ito? #RBM