Read Time:1 Minute, 24 Second

Hindi inaakala ng Pamilya Abordaje na ngayong-araw (Lunes, Marso 2, 2020), bubuhos ang biyaya sa kanilang bakuran. Mga biyaya na magpapaiyak ng kanilang mga puso sa tuwa. Mga biyaya na magbibigay sa kanila ng pag-asa sa gitna ng dinadanas nilang pighati sa buhay. Mga biyaya na magsisilbing aahon sa papalubog nilang pag-asa.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

 

Sa larawan, makikita si Mayor Randy Ecija Jr. ng bayan ng Senator Ninoy Aquino sa probinsya ng Sultan Kudarat na pinipilit ngumiti kahit umiiyak ang puso nito dahil sa matinding emosyon habang yakap at hawak ito sa kamay ng dalawang miyembro ng Pamilya Abordaje. Yakap at hawak na bumaon sa kanyang puso at isipan. Yakap at hawak na mula sa pusong nananaghoy ng pag-asa.

PHOTO OF PANGKABUHAYAN FOR PAMILYA ABORDAJE

Ang Pamilya Abordaje ay binigyan ni Mayor Ecija ng sako-sakong mga bigas at iba pang grocery items na pwedeng itinda sa kanilang naghihingalo na sari-sari store.  Ang paghahatid ng nasabing mga pangkabuhayan ay reaksyon ni Mayor Ecija sa pinosteng mensahe ng isang netizen na nagngangalang “Lyka,” kung saan umaapela ito na sana matulungan ang Pamilya Abordaje na malagyan ng paninda ang kanilang maliit na sari-sari store upang sila ay patuloy na mabuhay.

 

Para sa Pamilya Abordaje, ang ngiti na kanilang nakita mula kay Mayor Ecija ay bumuhay sa kanilang naghihingalong pag-asa. Ngiti na babaon din sa kanilang puso at isipan. Ngiti na hindi nila makakalimutan habang sila ay nabubuhay. Ngiti na laging magpapaalala sa kanila na mayroong isang “Mayor Randy Ecija Jr.” na nagpasaya sa kanilang nananaghoy na mga puso na pinaiiyak ng pighati ng buhay. (RAMIL H. BAJO/PHOTO CREDIT TO RANDY ECIJA JR.)

PHOTO NEWS: “TEARS OF JOY”

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post NEWS SPOT: Dating Guard ng Isang Mall sa Greenhills, nang hostage ng 30 katao; 1 Binaril
Next post Maintenance Section of the Sultan Kudarat First District Engineering Office gets Excellence award from DPWH

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: