Photo News

PHOTO NEWS: Kabilang sa mga hindi makakatanggap ng ayuda ng DSWD ang mag-asawang Senior Citizen sa Dasmariñas Cavite dahil sa may talyer si Tatay Florante

Ilan lamang sila tatay Florante edad 70 at nanay Remedios edad 76 sa mga senior citizen na hindi pasok sa Social Amelioration Program ng DSWD dahil sa may talyer kuno si Tatay Florante.

Ito ay base sa isinagawang interbyu ng kanilang block leader at hindi naman daw kwalipikado ang mag-asawa dahil mayroon naman silang negosyo at base na rin sa panukalang nakapaloob sa Social Amelioration Program ng DSWD na hindi kabilang ang mga Senior na may negosyo at may mga anak pa na kaya naman silang suportahan.

Aniya, ang kaniyang maybahay naman ay may katarata at marami na ring komplikasyong nararadaman at hindi na rin nila alam kung saan pa hihingi ng tulong para sa pambili ng maintainance ni nanay Remedios araw-araw. Sila ay nangungupahan lamang sa kanilang pwesto. Higit sa lahat, hindi rin sila kabilang sa mga benipisaryo ng programang 4Ps.

IMG20200414071231

Naabutan ng Diyaryo Milenyo si Tatay Florante sa kanyang pwesto habang nagluluto ito ng almusal para may maipakain lamang sa kanilang mga anak at mga apo na wala ring makain at sila lamang ang tanging inaasahan nang buong mag-anak araw-araw. Nag-aalala rin si Tatay Florante kung sakaling ma-extend pa raw ulit ng isang buwan pa ang lockdown paano na lamang daw ang kanilang pagkain sa araw-araw?

Kaarawan pa naman ni Tatay Florante sa Huwebes, Abril 16, 2020 at hindi na nila iyon iniisip basta maabutan lamang sila ng makakain ay sapat na para maibsan ang kanilang kagutuman. | DM | via Paliparan 3 Dasmariñas City Cavite

#DSWD #SOCIALAMELIORATIONPROGRAM #SAP #SAC #LGU #PALIPARAN3 #DASMARIÑAS #CAVITE #SENIORCITIZEN

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.