
Tangkilikin ang sariling atin: Buy Locals, Tatak Pinoy, Gawang Pinoy, para sa Pinoy

Kapag ang kaibigan mo o kakilala ay nagbebenta ng mga pagkain, mga magagamit ngayong pandemic gaya ng personal hygiene, at iba pa. Matuto tayong suportahan ang bawat isa. Gaya ng ibang bansa na masyado nating tinatangkilik ang kanilang mga produkto o ano pa man.
Pero bakit tayong mga Pinoy hindi natin kayang tangkilikin ang sariling atin na tatak at gawang Pinoy? Bakit parang may allergy tayo sa sarili nating produkto? Bakit masyado natin nahuhusgahan kapag kapwa Pinoy na ang nagbebenta sa atin?
Hindi ba pwedeng magsuportahan tayo para maramdaman naman natin na mahalaga ang bawat isa sa atin kaysa tinatalikuran natin ang bagay na meron na nga sa ating harapan ay naghahanap pa tayo ng mas higit pa sa ating inaasahan.
Ibigsabihin lamang nito, tayo rin ang papatay sa sarili nating kultura, mga kasanayan, at iba pang mahahalagang bagay at mga produkto na mayroon tayo na ating binabalewala.
Marami na po tayong nasayang at tinapon na sariling atin. Madalas pa nga’y ipinagbibili natin ang mga nalilikhang mapapakinabangan sana nating lahat gaya ng mga may kinalaman sa teknolohiya, pangkalusugan, at iba pa. Huwag na po natin dagdagan pa ito at ipagbili na naman sa ibang lahi na sa bandang huli ay sila ang makikinabang higit na dapat ay tayong mga Pilipino.
Tangkilikin natin ang sariling atin. Buy locals, the best ang tatak Pinoy, gawang Pinoy para sa Pinoy.
Kaiisa ang Diyaryo Milenyo, sa pagtataguyod ng sariling atin. Sapagkat, naniniwala kami na ang pinaghirapan ng Pinoy ay ang paghihirap ng bawat isa sa atin at ito ay nararapat suportahan ng bawat isa. Mabuhay ang produkto at husay ng kalakarang Pinoy! (DM)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Lawyer Consultation: “When To Get One?”
by Rowell Sahip In today's world, it is essential to always safeguard your rights. Because many situations call for...
Revolutionizing Grocery Shopping: The Rise of Next-Generation Stores
by Rowell Sahip The next-generation grocery store is a cutting-edge concept that combines the benefits of traditional brick-and-mortar stores with...
Beating the Inflation – Know How
by Rick Daligdig The Inflation for December 2022 is pegged at 8.1%. The culminating of continuing upward trend of inflation...
Cocina de Relleno: The Home of the Legendary Authentic Rellenong Bangus
In this day and age of fast-food chains and restaurants that bring flavors from Western, Asian, and other cuisines from...
Barangays, together with ice cream brand, Aice plan on distributing free ice cream to more than 2 million people nationwide to give cheerfulness in time for the holiday season
[caption id="attachment_27624" align="aligncenter" width="690"] Barangay Head Gift Giving Activity in General Santos City[/caption] Manila, Philippines, 12 December 2022 – Over...
Stronger than Expected!
by Rick Daligdig This is it! The latest different economic figures have been out a few weeks ago. Some numbers...