
Original Sang’gres, magsasama muli sa proyekto

Magsasama muli sa isang proyekto ang mga original sang’gre ng Encantadia ayon sa director nito na si Mark Reyes.
Ibinahagi ng director sa kanyang instagram post na magkakaroon muli ng bagong proyekto ang mga original sang’gre na sina Iza Calzado, Diana Zubiri, Karylle at Sunshine Dizon.
Ayon sa post ni Direk Mark “Avisala! @sanggreinc resumes operations. #somethinscoming #newnormal,”
Ang nasabing proyekto ay gagawin sa ilalim ng Sangre Productions Inc.
Si Direk Mark ang naging direktor ng Encantadia noong 2005 at 2016.
Matatandaang noong 2018, gumawa ng ingay ang mga original sang’gre nang ginawa nila ang pelikula na Mystified na mapapanood sa iFlix.
Ang Mystified ay nagwagi bilang Best Single or Telemovie award sa 24th Asian Television Awards. (Ni Benjamin Ducay Garcia)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Vanessa Hudgens, tumanggap ng parangal bilang Global Tourism Ambassador
IGINAWAD ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Global Toursim Ambassador Award kay Filipino-American actress Vanessa Hudgens sa ginanap na...
MYSTICA, LABIS ANG PAGDADALAMHATI SA PAGPANAW NG KANIYANG NAG-IISANG ANAK
Matapos ang pagkamatay ng apo ng tinaguriang "Split Queen" nitong nakaraang taon. Tila dagok ang pagpanaw ng nag-iisang anak ni...
Vhong Navarro, pinawalang-sala ng SC
IBINASURA ng Korte Suprema ang mga kasong kinakaharap ng aktor at TV host na si Vhong Navarro. Sa inilabas na...
TVJ, pwedeng mawala sa “Eat Bulaga” – Cristy Fermin
Maaaring mawala sa "Eat Bulaga" ang mga OG host na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon. Ito...
MGA MONTALBEÑO WAGI SA POWERLIFTING
Ni Ella Luci Nakapagtala ng bagong national record ang Montalbeñong si Ivan Thorin Mantilla nitong Linggo sa Sibol 2023 Luzon...
JILLIAN WARD, IPINASILIP ANG GOWN SA DEBUT
Ipinasilip ni Kapuso actress Jillian Ward ang isa sa mga gown na isusuot niya sa kanyang nalalapit na debut sa...