
Nakaalerto ang Philippine National Police (PNP) para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Sa pahayag ni PNP spokesperson PBGen. Bernard Banac, nakaalerto at kasado na ang seguridad sa lugar kung saan magaganap ang SONA ng Pangulo at wala naman silang natatanggap na banta.
“Ang ating peace and order situation ngayon ay napaka-stable at mababa ang krimen,’ saad ni Banac sa isang panyam sa radyo. /DM
0 comments on “PNP nakaalerto sa SONA rally ngayong araw”