
Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na kanilang i-extend o palalawigin ang pagpaprehistro ng motor vehicles sa buwan ng Agosto at Setyembre 2020.
Ang mga plaka na may numerong nagtatapos sa 6 sa NCR, Laguna, Cebu, at Region III ay maaring magpa-rehistro hanggang Setyembre 3, 2020.
Habang ang mga plaka na nagtatapos naman sa numerong 7 at 8 ay extended nang Agosto 31, 2020 at Setyembre 30, 2020.
Ayon sa LTO offices, sila ay nakakapagtala ng mahabang pila nitong mga nakaraang araw dahil sa muling pagbabalik sa modified ECQ sa NCR, Rizal, Laguna, Cavite, at Bulacan.
Inabisuhan ng LTO ang mga nagpapa-rehistro na kung maaari ay manatili muna sa loob ng kani-kanilang bahay dahil sa dalawang linggong lockdown sa mga nabanggit na concern areas.
Sinabi ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante na kinakailangang sumunod ang mga motorista sa inilabas na schedule ng pagpaparehistro at huwag hintayin ang deadline nito para maiwasan ang pagkaantala ng lahat. Aniya walang ipapataw na penalty sa mga motorista na late renewal.
Samantala, ang lahat ng mga motorista na magtutungo sa tanggapan ng LTO ay kinakailangang sumunod sa health protocols, pagsusuot ng face masks, at ang pagsunod sa physical distancing upang maprotektahan ang bawat isa sa banta ng COVID-19. (Rex Molines)

You must be logged in to post a comment.