fbpx
Thursday, May 2, 2024
Kaso ng Pertussis, Lumulobo; 1-milyong doses darating sa Hunyo – DOH

Kaso ng Pertussis, Lumulobo; 1-milyong doses darating sa Hunyo – DOH

0 0
Read Time:1 Minute, 42 Second

MANILA, Philippines — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit na pertussis kung saan ay nagdeklarang ng outbreak ang Quezon City nitong Miyerkules [Marso 20], naitala ang malaking bilang ng mga nagkakasakit nito sa Metro Manila, na sinundan ng Calabarzon at Eastern Visayas.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Kaugnay nito, inaasahang matatanggap ng Department of Health (DOH) ang nasa isang (1) milyong doses ng pertussis vaccine sa darating na Hunyo.

“Wala kaming percent, subalit ang nasa inventory namin ay nakapagbigay ang DOH sa Quezon City ng 1,500 doses at ito ay magagamit nila at habang hinihintay ‘yung suplay na baka sa June pa dumating,” pahayag ni DOH Spokesperson Dr. Eric Tayag.

“Yung binibigay naming bakuna ay hindi naman single dose, pero multi-dose ‘yun,” dagdag ni Tayag.

Ayon kay Tayag, aminado sila na hindi sapat ang 1-milyong doses para sa pangangailangan ng bansa na nasa 1.9M at 2.1 million doses ng pertussis vaccine kada taon para masiguro na ang lahat ng mga ipinangangak na sanggol ay malapatan agad ng bakuna.

Dagdag pa ni Tayag na maaari namang gumamit ng antibiotic laban sa pertusis upang malabanan ito.

Ilan sa mga dahilan ng paglobo ng bilang ng kaso ng pertussis sa unang quarter ng 2024 ang kakulangan sa bakuna at ang mababang vaccination rate sa bansa.

Aniya, dahil sa COVID-19 ay tila hindi nabigyan ng pansin ang mga sakit sa ating bansa. Dahil nakatuon ang ating pamahalaan sa banta ng COVID-19 pandemic.

Sa kasalukuyan, may 453 kaso ng pertussis sa bansa, 367 ang kumpirmadong kaso at 25 ang namatay.

Ayon sa mga eksperto, lubhang nakakahawa ang pertussis na nagdudulot ng respiratory track infection at ang mga sintomas nito ay ang walang tigil na ubo na halos hindi makahinga at may sipol sa dibdib.

Pinapayuhan naman ng mga eksperto ang publiko na mag-ingat at alagaan ang pangangatawan. Kung maaari ay magsuot muli ng facemask, at umiwas sa mga crowded places at sa mga nakakaranas ng pag-ubo sa publiko.

 

Source: http://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/
Photo credit: mforum.com

About Post Author

Diyaryo Milenyo Digital News

DIYARYO MILENYO is an autonomous and non-profit online media organization that reports local community events and current affairs of public interest, with both national and global relevance. Our team consists of volunteer journalists and community writers from diverse locations across the Philippines. Our primary objective is to report news and events as they unfold while adhering to journalism's highest standards and ethics. We maintain a strict stance against publishing content that attacks individuals and prioritize highlighting positive news.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

BALITA Breaking National News

You May Have Missed

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading