Photo News

Empleyado na Manobo sa bayan ng Senator Ninoy Aquino pinuri sa pamamahagi nito ng libreng “face mask” sa mga katribo

SULTAN KUDARAT, Philippines — Isang empleyado na miyembro ng tribong Manobo-Dulangan ng bayan ng Senator Ninoy Aquino (SNA) sa probinsya na ito ang umani ang papuri mula sa kanyang alkalde sa mga mamamayan dahil sa kapuri-puri na ginawa nito.

Kinilala ni SNA Mayor Randy Ecija Jr. ang nasabing empleyado na si Daniel Munta, kung saan anak ng isa mga nirerespeto at kinikilala na na tribal chieftain sa nasabing bayan.

Sa larawan na pinoste ni Mayor Ecija sa kanyang fb account, sinabi nito na “Ito po ay isang litrato na binibigyan ni kuya daniel munta,ip manobo,empleyado ng munisipyo ng libreng facemask dhil wala facemask ang kapwa nya manobo….”

Ayon pa kay Mayor Ecija, kapuri-puri na uri ng pag-uugali ang ipinakita ni “Kuya Daniel Monta” dahil sa gitna ng pandemya ng COVID-19 hindi nito nakalimutan ang kanyang mga ka-tribo na bigyan ng libreng face mask.

Ayon sa report na natanggap ng AL SUARA NEWS, mula sa kanyang ipon ang ipinambili ni Monta ng mga face mask para sa kanyang mga katribo na Manobo-Dulangan.

“Kuya Daniel showed that he has heart for his fellow Manobo-Dulangan. He never forgets them. That is clearly an act of kindness,” sabi ni  Mayor Ecija.

Ayon pa kay Mayor Ecija, ang lahat na mga miyembro ng Manobo-Dulangan na tribo sa kanyang bayan ay hindi nito kinakalimutan at bahagi sila ng kanyang administrasyon. (RASHID RH. BAJO)

Categories: Photo News

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.