
Internet Transactions Act, tutugon sa mga reklamo ng online consumers

“Kailangang palakasin natin ang consumer protection sa ganitong panahon na halos sa online na ang pamimili ng karamihan at dumarami ang mga nagbebenta ng mga counterfeit items o pekeng produkto,”
Ito ang mariing sinabi ni Senador Win Gatchalian na dapat paigtingin pa ang mga patakaran sa online business kaugnay ng pagbibigay ng proteksyon sa mga mamimili lalo na sa mga naloloko ng mga mapang-abuso na online sellers.
Dismayado si Gatchalian sa kawalan ng batas na magpaparusa laban sa mga mapanlinlang na online sellers.
Aniya, dapat masolusyonan ito at mapigilan ang pagpasok sa ating merkado ng mga pekeng produkto o mga produkto na malaki ang pagkakaiba sa naiprisinta sa online.
Sa pinakahuling pagdinig sa senado, sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo na walang sapat na panuntunan hinggil sa counterfeit items laban sa pagbebenta sa online.
Aniya, walang kakayanan sa ngayon ang DTI na mapanagot ang mga online sellers lalo na kung hindi sila rehistrado at walang anumang impormasyon para makipag-ugnayan sa mga kinauukulan.
Dagdag pa ni Gatchalian na panukalang batas ay ang Internet Transactions Act, na maaring tugunan ng DTI ang anumang reklamong ipaaabot sa kanila ng mga konsyumer lalo na kung ito ay registered online sellers.
Layon nito na magbuo ng isang e-commerce bureau, isang online one-stop shop na ahensya kung saan maidudulog ang mga hinanaing ng mga mamimili sa online market na magsisilbing regulatory body for online selling sa bansa.
Saad muli ni Castelo na mahihirapan silang tugunan ang mga hinaing ng mga mamimili kung walang contact information o address man lang ang online seller. (DM)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Lawyer Consultation: “When To Get One?”
by Rowell Sahip In today's world, it is essential to always safeguard your rights. Because many situations call for...
Revolutionizing Grocery Shopping: The Rise of Next-Generation Stores
by Rowell Sahip The next-generation grocery store is a cutting-edge concept that combines the benefits of traditional brick-and-mortar stores with...
Beating the Inflation – Know How
by Rick Daligdig The Inflation for December 2022 is pegged at 8.1%. The culminating of continuing upward trend of inflation...
Cocina de Relleno: The Home of the Legendary Authentic Rellenong Bangus
In this day and age of fast-food chains and restaurants that bring flavors from Western, Asian, and other cuisines from...
Barangays, together with ice cream brand, Aice plan on distributing free ice cream to more than 2 million people nationwide to give cheerfulness in time for the holiday season
[caption id="attachment_27624" align="aligncenter" width="690"] Barangay Head Gift Giving Activity in General Santos City[/caption] Manila, Philippines, 12 December 2022 – Over...
Maharlika Investment Fund? It’s about Time or Not?
House Speaker Martin Romualdez — Marcos’ cousin — filed House Bill 6398 that seeks to establish what would be known as...