
Sister Fideliz Atienza ng Religious of the Good Shepherd pumanaw na sa edad 102
[Ni Rex B. Molines]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
PUMANAW na ang lumikha ng famous Baguio Good Shepherd’s Ube Jam na si Sister Fideliz Atienza sa edad na 102 nitong Sabado, Marso 20.
Hindi malilimutan ng mga natulungan ni Sister Atienza ang kaniyang imbensyon buhat ng makagawa ito ng napakasarap na Ube Jam para makatulong din sa kanyang religious community na nakapagpaaral din ng maraming kabataan sa kanilang komunidad.
Marami ang nalungkot sa pagpanaw ni Sister Atienza lalo na ang mga nagmamahal at mga natulungan nito sa mahabang panahon.
Sa ipinoste ni Bro. Humphsky Rey, umabot na sa mahigit 12,000 reactions, 500 comments, at mahigit 10,000 shares na ang post na ito.
Isang napakadakilang pagkakataon para sa mga taga Baguio ang matikman at suportahan ang likha ni Sister Atienza dahil ito ay naibebenta rin sa iba’t ibang mga lugar.
Bago pa man makilala ang ube jam ni Sister Atienza, nagsimula siya sa Marian Bakery noong 1960s na gumagawa ng crispies. #DM