KARAGDAGANG TReN NG MRT-3, balik-operasyon na

Read Time:45 Second

Hindi baba sa 17 Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) tren ang ibinalik sa serbisyo matapos limitahan ang serbisyo nito bunsod ng hawaan ng COVID-19 sa mga tauhan ng naturang ahensya.

Inanunsyo ni Transportation Undersecretary Timothy John Batan sa briefing na Laging Handa nitong Biyernes [Abril 23], na ang operasyon ng MRT-3 ay paunti-unti nang bumabalik sa normal nitong operasyon mula ng limitahan ng Department of Transportation dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay.

“Nagbaba sa 12 trains nung week after Holy Week. So sa kasalukuyan 17 to 18 ang tumatakbong trains” saad ni Batan.

Aniya, nagsagawa ang DOTr ng mass testing sa mga manggagawa nito upang masiguro na hindi magiging dahilan ito ng hawaan ng virus.

Matatandaan na nilimitahan ng MRT3 ang kanilang serbisyo sa 10 hanggang 12 tren ang kanilang pinapatakbo na may limitadong bilang na 372 passengers per train. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post VICTOR WOOD, PUMANAW NA SA EDAD NA 74
Next post Sputnik V vaccine, ilalagak sa mga LGU’s na may higit na storage facilities
%d bloggers like this: