Naglabas ng pahayag ang World Health Organization (WHO) nitong Miyerkules (Mayo 5), na limitahan ang sobrang paggamit ng asin (salt) sa mga pagkain at inumin dahil ito ay nakakasama sa kalusugan ng tao na maaring magdulot ng atake sa puso at pagka-stroke.

Sa mga pag-aaral na isinagawa, tinatantiyang nasa 11 million ang namamatay sa buong mundo dahil sa kakulangan ng kaalaman sa tamang pag-diet kada taon, habang nasa 3 million naman nito sanhi ng high sodium intake ayon sa report.
May maingalan-ngilang maunlad na mga bansa ang madalas na gumagamit ng sobrang sodium na karaniwang ginagamit ng mga manufacturer ng mga bread, cereal, processed meat, at dairy products ayon sa WHO.
Kinakailangan na maglabas ng polisiya ang mga otoridad ukol sa pagbabawas ng paggamit ng asin sa mga pagkain ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus.
“We also need the food and beverage industry to cut sodium levels in processed food,” pahayag ni Tedros.
Isa sa mga halimbawa ay ang potato chips na dapat ay nasa maximum contain of 500mgs of sodium per 100g serving. Ang pies at pastries naman ay dapat kumonsumo lamang ng 120mgs at ang processed meats naman ay 360mgs, base sa benchmark ng WHO.
“Excess dietary sodium intake increases blood pressure and consequently increases the risk of cardiovascular disease,’ ayon sa WHO.
Inirerekomenda rin ng WHO na dapat kumonsumo lamang ang bawat indibidwal ng 5g of salt (or less than 2g of sodium) kada araw. #DM
0 comments on “Sobrang pagkonsumo ng asin sa mga pagkain maaring magdulot ng atake sa puso at stroke – WHO”