
RABIYA MATEO NAGNINGNING SA KANYANG PH-FLAG INSPIRED COSTUME
[by Athena Yap]

Rumampa na sa entablado para sa prelims ng Miss Universe si Rabiya Mateo na representative ng Pilipinas suot ang national costume na nilikha ni Rocky Gathercole.
Philippine flag inspired ang national costume na inirampa ni Mateo na may kulay asul na sumisimbolo ng royalty, pula para sa katapangan at lakas ng isang independeng babae, at dilaw para sa kulay ng araw at bituin.
Ipinamalas ni Rabiya ang kanyang “Halabira” walk suot ang kanyang national costume na may malaking feather na mala-pakpak na nakumpleto umano ng designer na si Manny Halasan na kilala sa pagiging designer ng mga costume at alahas.
Ayon sa creative director na si Jonas Gaffud, ang mga pakpak pa lamang na suot ni Rabiya ay may bigat na 21kg.Matatandaang napagpaliban ang 2020 edition ng Miss Universe noong nakaraang taon dahil sa hindi inaasahang COVID-19.
Maraming mga lokal na prangkisa, kasama na ang Miss Universe Philippines, ang kinailangan i-pausepone ang pageant. #DM