Community News

Pitakang may lamang pera napulot ng tanod, agad isinauli

Hunyo 3, 2021 ganap na alas 3:15 ng hapon nang makapulot ng pitaka ang Brgy. Tanod na si Michael Navarro ng Brgy. Bagbag 1, Rosario, Cavite. Naglalaman ang pitaka ng halagang 3,700php. Ipinagtanong niya ang nasabing pitaka kung sino ang nagmamay-ari nito kasama ang kapwa Brgy. Tanod na si Tajing Cano.

[ni Sid Luna Samaniego]

Hunyo 3, 2021 ganap na alas 3:15 ng hapon nang makapulot ng pitaka ang Brgy. Tanod na si Michael Navarro ng Brgy. Bagbag 1, Rosario, Cavite.

Naglalaman ang pitaka ng halagang 3,700php. Ipinagtanong niya ang nasabing pitaka kung sino ang nagmamay-ari nito kasama ang kapwa Brgy. Tanod na si Tajing Cano.

Ilang saglit pa ay natunton nila ang may-ari ng pitaka na si Josephine Perez Buhia, 22 taong gulang, tubong Buenavista, Quezon at nagtatrabaho sa Epza bilang Factory Worker.

“Maraming salamat kay kuyang tanod. Isinauli niya ang pitaka. Yung laman ng pitaka na ‘yan ay nakalaan talaga ‘yan sa anak ko na magbi-birthday ngayong linggong darating. Ipapadala ko yan sa probinsya para may handa ang anak ko”, kwento ni Josephine.

“Mahirap lang ako, pero titiyakin kong mayaman ako sa dignidad. Napulot ko lang ang pitaka, at alam kong hinahanap ‘yan ng tunay na may-ari kaya pagkapulot ko ng pitaka ay agad naming ipinagtanong kung sino ang may-ari ng pitaka”, malumanay na paglalahad ni Michael Navarro.

Sa kasalukuyan ay may matinding pinagdadaanan ang Brgy. Tanod na si Michael dahil sa pagkaka-stroke ng kanyang misis. Pero sa kabila nang lahat, nangibabaw ang kanyang prinsipyo’t dignidad. #DM

Advertisement

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Pitakang may lamang pera napulot ng tanod, agad isinauli

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: