
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang local government units (LGUs) na hanapin ang bawat indibidwal na nakaligtaan ang kanilang pagpapaturok ng second COVID-19 vaccine, sa kanyang weekly address to the nation nitong Lunes ng gabi, June 7.
“Kindly help us ferret out persons who have not received the booster until now,” saad ni Duterte.
“Paki ano lang kasi itong COVID na ito is a very toxic thing and it can contaminate you again,” ani Duterte.
Pinakikiusapan din ni Duterte ang publiko na panatilihing sumunod sa minimum health standards lalo na ang pagbabakuna na ito ay dapat makompleto.
“Although it would give you a measure of protection, it does not guarantee you will not get COVID again. In spite of your vaccine, please observe the basic protocols,” dagdag pa ng Pangulo.
Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ang ilan sa mga nabakunahan na ay nakalimutan nila ang kanilang next schedule at ang ilan naman ay ayaw ng magpabakuna sa ngayon dahil sa naranasan nilang mga sakit gaya ng lagnat at iba pang mga kadahilanan.
Ayon sa Department of Health, halos 9% o 113,000 individuals ang nakalimot sa kanilang second dose schedule. #DM
0 comments on “Duterte, inatasan ang LGUs na hanapin ang mga hindi pa natuturukan ng second COVID-19 vaccine”