[ni Sid Luna Samaniego]

Sa kanyang tindig at porma, aakalain mo bang 72 anyos na sya.
Madalas nakasuot ng puting t-shirt, pantalon na satin, at nakasumbrero.
Laman sya ng kalsada.
Maaga pa lamang ay nakamasid na.
Nagmamasid sa bawat basurang makikita niya sa kalsada.
Bitbit ang walis tingting at pandakot. At ang ginawa niyang pangtangal ng bara sa kanal. Takip ng elekrik-pan na ipinako sa maliit na kahoy.
Sa unang tingin, iisipin mong taga-linis siya ng kalsada at hukay-kanal ang trabaho niya.



Pero mali….
Antigong Barangay Kagawad pala siya ng Brgy. Bagbag 2, Rosario, Cavite.
Natapos na niya noon ang kanyang termino sa brgy bilang Kagawad, at naisalin na sa asawa ang pagiging Kagawad. Muling naging Kagawad ng matapos ang termino ng kanyang asawa.
Walang nagbago…
Taglay pa rin niya ang pagiging isang masipag at tahimik na tao.
Ang ugali nya noon, nananatiling inspirasyon pa rin hanggang ngayon.
Isang ehemplo…
Isang idolo…
Maraming salamat sa’yo Kagawad Benjamin “Ben” Cupino. #DM
0 comments on “ESPESYAL: Father’s Day Edition”