[ni Ella Luci]

Umabot sa kabuuang 1,870,000 pirasong face masks ang naipamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pamumuno ni Gob. Ynares sa ikalawang bahagi ng distribusyon ng mga ito sa buong lalawigan ng Rizal.
Tinanggap kamakailan ng iba’t ibang mga bayan sa Ikalawang Distrito (Teresa, Morong, Cardona, Baras, Tanay, Pililla at Jalajala) at sa lungsod ng Antipolo ang mga face mask na layong pigilan ang pagkalat pa ng COVID-19.
Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Mayo, higit sa dalawang milyong piraso ng face mask ang naipamahagi sa buong probinsya. #DM
0 comments on “Lalawigan ng Rizal, patuloy na nagpapamahagi ng Face masks”