NEWS PROVINCIAL

Dalawang opisyal ng LGU––Paglas hinihikayat ang pamilya ni Solaiman Tudon ng BIFF na tulungan silang pasukuin ito

DATU PAGLAS, Maguindanao --- Ang pamilya Paglas sa bayan na ito ay hindi lamang magaling na mga lider kundi mga “peacemaker” din.  

[by Abdul Campua]

DATU PAGLAS, Maguindanao — Ang pamilya Paglas sa bayan na ito ay hindi lamang magaling na mga lider kundi mga “peacemaker” din.  

Kamakailan lang, pinangunahan nila Mayor Abubakar Paglas at Vice Mayor Thong Paglas ng LGU—Paglas ang pagsagawa ng “peace negotiation” (or usapang—pangkapayapaan) sa pamilya at mga kamag-anak ni Solaiman Tudon, isang kilalang lider ng grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) na nakabase sa probinsya ng Maguindanao.

Ayon kina Mayor Abubakar Paglas at Vice Mayor Thong Paglas, ang layunin ng pakikipag-usap nila sa pamilya at mga kamang-anak ni Solaiman Tudon ay upang hingiin ang kanilang tulong para hikayatin ang nasabing lider at ang mga kasama nito sa BIFF na sumuko na sa gobyerno.

Sinabi ni Mayor Abubakar Paglas na ang nasabing peace negotiation ay suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at ng provincial government, sa ilalim ng kasalukuyang liderato ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.

Ayon naman kay Vice Mayor Thong Paglas, ang pakikipag-usap sa pamilya ni Solaiman Tudon ay bahagi ng peace program ng LGU Paglas, kung saan layunin nito ay panatilihin ang mapayapang-estado ng munisipyo na iniingatan nila ng maraming mga taon.

Sa nasabing pulong, sinabi ng dalawang mataas na mga opisyal ng LGU-Paglas at mga opisyal ng AFP at PNP na walang dapat ikabahala ang mga kamag-anak ni Soliaman Tudon dahil ang kasalanan nito ay hindi nila kasalanan.

Ayon kay Vice Mayor Thong Paglas, gusto lang nila na maging patuloy na tahimik ang bayan ng Paglas.

Tulad ng dalawang mga opisyal, umapela rin si Lieutenant Colonel Edwin Alburo, commanding officer ng 40th Infantry Battalion (IB) at ang chief of police ng LGU-Paglas sa pamilya at mga kamang-anak ni Solaiman Tudon na hikayatin ito na sumuko na sa gobyerno para sa kapayapaan.

“Sana makumbinsi ninyo siya na sumuko na,” sabi ni Colonel Alburo. 

Si Solaiman Tudon ay residente ng Sitio Mopac na bahagi ng Barangay Poblacion ng Paglas. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Dalawang opisyal ng LGU––Paglas hinihikayat ang pamilya ni Solaiman Tudon ng BIFF na tulungan silang pasukuin ito

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: