Banner Story PROVINCIAL

Mahigit apat (4) na libong Artificial Coral Reef, itinanim sa karagatan ng Rosario, Cavite

Mula taong 2008 hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit apat na libong artificial coral reef ang itinanim sa karagatan ng Rosario, Cavite.

[ni Sid Luna Samaniego]

Mula taong 2008 hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit apat na libong artificial coral reef ang itinanim sa karagatan ng Rosario, Cavite.

Sa tulong ng lokal na pamahalaan at bantay-dagat ay unti-unti itong naisagawa sa tulong ng mga volunteer environmentalist.

Ang paggawa ng artificial coral reef ay may halong mga plastik na mula sa basura. Napapakinabangan na ngayon ng mga mangingisda ang mga itinanim na artificial coral reef. Pinamamahayan na ito ng iba’t ibang uri ng yamang-dagat.

Mahigpit na ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan sa karagatang nasasakop nito ang paggamit ng dinamita, mga bangkang gumagamit ng maliliwanag na ilaw at mga lambat na may kasamang mabigat na tingga na sumasayad hanggang sa kailaliman ng lupa, mga sapra, bangkang sudsod. Dahil ang mga ito ay lubos na makakapinsala sa gumagandang epekto ng pagtatanim ng coral reef.Sa panahon ngayon ay sagana sa nahuhuling alimasag at hipon ang mga mangingisda dulot ng itinanim na artificial coral reef.

Ito ang grupo ng bantay-dagat sa Rosario, Cavite na abala sa paggawa ng Artificial Coral Reef. Ang paggawa nito ay may sangkap na plastik mula sa basura. Umabot na sa mahigit apat na libong pirasong artificial coral reef ang naitanim ng bantay-dagat sa buong karagatan ng Rosario, Cavite. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Mahigit apat (4) na libong Artificial Coral Reef, itinanim sa karagatan ng Rosario, Cavite

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: