COVID-19 PH NEWS

3 pang lugar sa bansa, isinailalim sa ECQ

Nagbigay nang "go signal" si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa karagdagang tatlo pang mga lugar ang isinailalim sa pinaka mahigpit na kwarantina sa bansa, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque nitong Huwebes, Agosto 5.

image: mb.com.ph

Nagbigay nang “go signal” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa karagdagang tatlo pang mga lugar ang isinailalim sa pinaka mahigpit na kwarantina sa bansa, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque nitong Huwebes, Agosto 5.

Ayon kay Roque, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng COVID-19 Task force na isailalim ang Laguna, Iloilo City, at Cagayan de Oro sa enhanced community quarantine (ECQ) mula ngayong Araw hanggang Agosto 15.

Ang Cavite, Lucena City sa Quezon, Rizal at Iloilo province ay isasailalim sa istriktong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa loob ng mga nabanggit na petsa.

Ang Batangas at natitirang bahagi ng Quezon Province, ay magpapalit din ng klasipikasyon ng kwarantina mula sa general community quarantine (GCQ) patungo sa ilalim ng GCQ with heightened restrictions, ani Roque.

Ang naturang anunsyo ng Palasyo ay sa kabila nang natanggap nilang report na lumaganap sa social media nitong Miyerkules, Agosto 3, na ang Calabarzon o ang Region 4-A ay magpapalit diumano ng klasipikasyon sa ilalim ng ECQ bunsod ng banta ng Delta variant.

Samantala, ang Metro Manila ay mananatiling nasa ilalim ng ECQ simula ngayong araw, Agosto 6 hanggang 20. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “3 pang lugar sa bansa, isinailalim sa ECQ

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: