CAMPUS NATIONAL NEWS

DepEd, handa na sa face-to-face classes sa 120 paaralan

Handa na ang Department of Education (DepEd) sa muling pagbubukas ng 120 na paaralan sa bansa para sa face-to-face classes, ayon kay Education Secretary Leonor Briones.

Handa na ang Department of Education (DepEd) sa muling pagbubukas ng 120 na paaralan sa bansa para sa face-to-face classes, ayon kay Education Secretary Leonor Briones.

“We have spent a lot of time studying the implementation of pilot face-to-face classes amid the COVID-19 pandemic, and we are ready for it,” saad ni Briones sa Laging Handa briefing ngayong Biyernes.

“We initially identified 1,900 schools, then it was reduced to 600 plus schools… now we are ready to implement face-to-face classes in 100 public schools and 20 private schools. We are just waiting for the go signal from the President,” ayon pa kay Briones.

Ayon sa Kalihim, pinagbasehan nila ang mga abiso ng mga medical expert na ang mga batang mag-aaral ay kailangang bigyang prayoridad na muling ibalik ang pag-aaral sa pamamagitan ng face-to-face classes dahil kailangang magkaroon ng mga kasanayan sa pakikisalamuha, study habits, at pagiging mabuting ugali at tamang pag-uugali.

Base sa pagtatala ng DepEd, nasa mahigit 27.5 million students ang nakapag-enroll ngayong taon sa ilalim ng formal education sa magkasunod na school year buhat ng manalasa ang pandemya sa bansa kung saan ang unang taon ay sinimulan sa online learning at ang paggamit ng mga printed learning materials.

Mas mataas ang bilang ng mga nag-enroll ngayong taon kumpara sa nakaraang school year na may bilang na 26.2 million.

Ang mga mag-aaral na under ng non-formal education ngayong taon, ay umakyat sa bilang na 202,000.

“We can gradually shift in doing away with printed materials and further digitization of our learning materials, but health and safety remain the most important,” saad ni Briones.

Wala pa namang pagpapasiya si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa muling pagbubukas ng mga klase, na una na niyang sinabi na hindi niya hahayaang isugal ang kalusugan ng mga batang mag-aaral.

Bukod pa rito, hindi pa pinahihintulutan ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga edad 17 pababa dahil sa kakulangan pa ng bakuna. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “DepEd, handa na sa face-to-face classes sa 120 paaralan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: