[by Athena Yap]

Hindi na nagpa-tumpik-tumpik pa ang sexy actress na si AJ Raval. Inamin na ng dalaga ang real score nilang dalawa ni Aljur Abrenica.
“Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita. Di na ako magsisinungaling, di na ako magdedeny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami.” Pag amin ni Raval sa tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Abrenica.
Ilang araw na kasing pulutan sa social media ang espekulasyon kaugnay sa maaring nabubuong “something” between AJ at Aljur.
“Well, totoo naman nag uusap kami” sabi pa ni Raval.
Matatandaang sa nakaraang vlog ni Donnalyn ay may pahapiyaw si AJ sa kanyang love life kung saan sinabi niya na ang lalaking nakakausap niya ngayon ay “boyfriend material.”
Lalo namang uminit ang espekulasyon na iyan nang tsumika si Xian Gaza sa social media tungkol sa nalalaman niya na pinatulan agad ni Raval.
Pero matapos makuyog ng hatreds si AJ agad ding nilinaw ng ex-wife ni Aljur na si Kylie na walang issue sa kanya kung makipag-date ang kaniyang ex dahil nagkaroon na sila nang maayos na pag-uusap na pwede na silang mag date kahit sinong gusto nila. #DM
0 comments on “AJ Raval inilantad ang tunay na namamagitan sa kanila ni Aljur Abrenica”