[by Athena Yap]

Hindi na matahimik sa kilig ang mga fan nang lumabas ang ilang mga litrato na magkasama ang Avengers Superstar na si Chris Evans at Pop singer and actress na si Selena Gomez.
Ngunit kahit na maraming litrato na ang maaring magpatunay na may romantic link ang dalawa, marami pa rin ang duda dahil hindi naka-follow back si Gomez kay Evans.
Samantala, usap-usapan din na may pelikula kung saan magkasama sila. Kaya siguro madalas sila makitang magkasama. Pero ang nakapagtataka na nakaka-kilig ay kahit sa labas ng set ng film umano na ginagawa nila ay nagkakasama sila.
May mga nagsasabi naman na ang ibang litratong lumalabas na kasama ni Gomez si Evans ay noong 2017 pa. Pero marami din ang nagsasabi na bago lang ang nakuhang litrato na lumabas sa iisang restaurant ang dalawang Hollywood star.
Mas sumiklab ang kilig ng mga fan nang balikan nila na noong 2015 ay umamin si Gomez na may crush siya kay Evans. #DM
0 comments on “Chris Evans, Selena Gomez spotted na magka-date?”