NATIONAL NEWS

Matapos ibaba sa COVID-19 Alert Lever 3 ang NCR, iba’t ibang lugar sa Metro Manila, dinagsa; physical distancing tila nabalewala

Dahil sa tagal nang pananatili sa loob ng ating mga tahanan, dinagsa naman nang libu-libong tao ang iba't ibang lugar sa Metro Manila matapos ibaba sa Alert Level 3 ang restriksyon sa National Capital Region.

image: ABS-CBN

Dahil sa tagal nang pananatili sa loob ng ating mga tahanan, dinagsa naman nang libu-libong tao ang iba’t ibang lugar sa Metro Manila matapos ibaba sa Alert Level 3 ang restriksyon sa National Capital Region.

Kapansin-pansin ang kakapalan ng mga tao sa Quirino Grandstand, sa Cultural Center of the Philippines sa Pasay City na mga nag-eehersisyo, at maging sa BGC Heights kung saan maraming mga kabataan ang namamasyal nitong buong weekend. Maging sa Manila bay ay makikita rin ang pagdagsa ng mga tao kung saan ay nag-eenjoy na makita ang dolomite beach doon.

Hindi rin maiiwasan na hindi nasusunod ang physical distancing, maging sa St. Peter’s Church sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Dahil sa mga kaganapang ito, nababahala si Philippine Medical Association president Dr. Maricar Limpin sa overcrowding public places sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at maging sa mga kalapit probinsya nito.

“Every time nagre-relax tayo ng ating mga measures to contain the pandemic, ito ay nagdudulot ng muling pag-akyat ng COVID-19 cases,” saad ni Limpin sa isang interbyu sa telebisyon.

“Hindi ho namin sinasabi na ibalik sa Alert Level 4 ‘no. Actually, kailangan matuto tayo kung ano ang gagawin natin kapag bumababa ang alert levels natin. Kailangan ‘yong minimum health protocols natin, sumusunod po tayo,” dagdag pa nito.

Samantala, nakapagtala ang Department of Health ng mababang bilang ng COVID-19 cases nitong Linggo (Oktubre 17) sa bilang na 6,913. Nakapagtala naman ng 10,237 bagong gumaling sa virus, at 95 naman ang mga namatay sa naturang virus. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Matapos ibaba sa COVID-19 Alert Lever 3 ang NCR, iba’t ibang lugar sa Metro Manila, dinagsa; physical distancing tila nabalewala

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: