GIGI HADID, ZAYN MALIK HIWALAY NA
[by Athena Yap]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Hiwalay na ang Hollywood couple na sina Zayn Malik at Gigi Hadid. Lumalabas sa mga ulat na mahigit isang buwan na silang hiwalay. May mga sabi-sabi pa nga’ng umabot sa punto na nasaktan ni Malik ang ina ni Gigi na si Yolanda.
Inaayos na umano ni Yolanda ang physical assault na ikakaso raw kay Malik. Ngunit ‘yan naman ay itinanggi ng 1D singer na si Malik.
“I adamantly deny striking Yolanda hadid for the sake of my daughter I decline to give any further details and I hope that Yolanda will reconsider her false allegations and move forward healing these family issues,” saad ni Malik.
“In an effort to protect that space for my daughter, I agreed to not contest claims arising from an argument I had with a family member of my partner’s who entered our home while was away several weeks ago,” dagdag pa niya.
Samantala, ayon naman sa ibang mga source ay hiwalay na sina Gigi at Zayn bago ang insidenteng sinasabi na sangkot si Yolanda. #DM