MOBILITY NEWS Technology

Sa pagdiriwang ng National Internet Day; Matatag at konkretong sistema ng Online System sa bansa, hangad ng grupo ng “CLICK”

Sobrang bagal na internet pero patuloy ang pagbabayad sa serbisyong hindi naman maayos. Ang pawala-walang internet pero patuloy ang pagbabayad sa hindi nagamit na serbisyo. Ang paglalagay ng Data Cap o Limitasyon sa paggamit. Sobrang mahal na internet. Kawalan ng malawak at maasahang network coverage. Napaka-pangit na hotline support. At kawalan ng maayos na interconnection ng lahat ng network.

[Ni Sid Luna Samaniego]

image: smartersearches.com
Darlon Sayarot

Sobrang bagal na internet pero patuloy ang pagbabayad sa serbisyong hindi naman maayos. Ang pawala-walang internet pero patuloy ang pagbabayad sa hindi nagamit na serbisyo. Ang paglalagay ng Data Cap o Limitasyon sa paggamit. Sobrang mahal na internet. Kawalan ng malawak at maasahang network coverage. Napaka-pangit na hotline support. At kawalan ng maayos na interconnection ng lahat ng network.

Sinasabing ang ating bansa ang pinaka-mabagal na internet connection sa buong mundo. Kaya naman ang epekto nito ay ang pagbagal ng transaksyon at pagkalugi ng negosyo at pagkasayang ng maraming oras.

Mahabang panahon na rin ang ating pagtitiis sa mabagal na serbisyo ng internet. Nasasayang ang buwanang kabayaran sa internet. Ang dahilan nila, hindi upgraded ang mga inprastraktura ng mga network provider.

Ang grupo ng tinatawag na “CLICK” na pinangungunahan ni Darlon Sayarot ay naghahangad ng isang matatag at konkretong sistema ng Online System sa ating bansa. Nais niyang bigyang solusyon ang lahat ng problemang may kinalaman sa “Online System”.

“Kung maiaayos natin ng tama at wasto ang “Online System” tiyak kong uunlad ang bansa natin kasunod ang pagusbong ng marami pang negosyo at maraming trabaho na pakikinabangan ng maraming Pilipino”, paliwanag ni Darlon Sayarot.

Sa pagdiriwang ngayon (Oktubre 29, 2021) ng National Internet Day hangad din ng grupong “CLICK” ang pagsasabatas na gawing “basic needs” ang internet at hindi “value added services”. Ito ay mas naayon sa modernong Pilipinas ngayon. Magkaroon ng karapatan ang bawat Filipino ng maayos, mabilis at maaasahang internet connection. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Sa pagdiriwang ng National Internet Day; Matatag at konkretong sistema ng Online System sa bansa, hangad ng grupo ng “CLICK”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: