Angeline Quinto 5 months buntis!
[by Athena Yap]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Kumpirmadong limang buwan na’ng nagdadalang tao ang birit queen na si Angeline Quinto!
Nanggaling ang balita sa isang malapit na kaibigan ng singer na eksklusibong nagpa-interview kay Tito Boy Abunda.
Ayon sa source na nagkumpirma ng tsika, tanging si Tito Boy lang ang pinagkakatiwalaan ni Angeline sa pag-tatapat tungkol sa kaniyang pagbubuntis.
Baby boy umano ang laman ng tummy ngayon ng singer sa kaniyang non-showbiz dyowa.
Matatandaang nag-guest pa noon si Angeline sa concert ni Vice Ganda nitong October 2021. Buntis na siya sa mga oras na iyon pero walang naka-halata.
Marami ang naiintriga kung sino kaya ang boyfriend ni Angeline ngayon ngunit mukhang mahihirapan ang mga Marites dahil mas pinili ng singer na gawing private ang personal na buhay niya lalo ang kaniyang binubuong pamilya. #DM
You must be logged in to post a comment.