Press Release

Isang Pinuno ng Relihiyon mula South Korea, Nagpatotoo na ang Aklat ng Pahayag ay Natutupad na

HWPL Press Release — Ang siyamnapu’t isang taong gulang na pinuno ng relihiyon at peace advocate na si Lee Man-hee mula sa South Korea ay nagpapatotoo na ang aklat ng Pahayag (Revelation) ay natutupad na sa oras na ito at ang pandemya ay bahagi nito.

Sa isang virtual press conference na ginanap noong Disyembre 20, sinabi ni Lee na ang aklat ng Pahayag ay isang ‘pangako’ na iniwan ni Jesus para sa mga mananampalataya, at ang ‘mga propesiya sa aklat ay lilitaw nang walang pagbubukod’. Sinabi niya na ipinapaalam nila sa buong mundo ang ‘realidad ng mga propesiya na ito’.

“Hindi ko ito sariling mga salita. Nagsasalita lang ako ayon sa kung ano ang ipinakita sa akin, sinabi ko lang kung ano ang nakita at narinig ko mula sa Diyos,” sabi ni Lee.

Si Lee ay ang founding chairman ng Shincheonji Church of Jesus, isang non-denominational Christian church na naka-base sa South Korea na itinatag noong Marso 14, 1984. Ang salitang Korean na ‘Shincheonji’ ay nangangahulugang “New Heaven New Earth” na nakuha mula Pahayag 21.

Noong ika-18 ng Oktubre, inilunsad ng simbahan ang kanilang webinar series na pinamagatang, “Testimony on Prophecy and Fulfillment of the Book of Revelation – God’s New Covenant” na live na ipinapalabas tuwing Lunes at Huwebes sa ganap na 9:00 AM via Facebook at Youtube, hanggang ika-27 ng Disyembre. Ang serye ay ipinapalabas sa buong mundo at isinalin sa 24 na wika kabilang ang Tagalog.

Sa pamamagitan ng webinar series na ito, layunin ng simbahan na ipaliwanag ang lahat ng mga kabanata ng aklat ng Pahayag kasama ang mga kaukulang realidad na lumitaw ayon sa propesiya.

Maraming mananampalataya at mga pinunong Kristiyano ang nahaharap sa hamon ng pag-unawa sa nabanggit na aklat dahil ito ay nakasulat sa matalinghagang wika. Sinabi ni Chairman Lee na ang aklat na ito ay ‘selyado’ ngunit ito ay ‘mabubuksan’ kapag ito ay natupad na at ang realidad na lilitaw ayon sa katuparan ay ipapakita.

Tumataas ang kawalan ng katiyakan ngayon buhat ng pandemya at maling impormasyon sa COVID. Maraming kuru-kuro ang kumakalat sa relihiyosong komunidad tulad ng bakuna sa COVID bilang “mark of the beast” na binanggit sa Pahayag 13 at ang labanan ng Armageddon na tumutukoy di umano sa isang digmaan sa mga bansa. Maging ang mga tao sa labas ng Kristiyanong komunidad ay nagsisimula nang magtaka kung ang pandemya ay nagpapahiwatig nga ba ng “katapusan ng mundo”.

“Alam ng Diyos na ang kalaban ay gagawa ng ganito… Sa kabaligtaran, gagamitin Niya ito para iligtas ang maraming tao. Ito ang mensahe, dahil maraming tao ang lalapit sa Diyos dahil dito. Kaya gagamitin ng Diyos ang sitwasyong ito para iligtas ang marami,” sabi ni Chairman Lee.

Sa press conference, nilinaw din niya na ang labanan sa Armagedon ay hindi tumutukoy sa isang pisikal na lugar o isang literal na lugar ng digmaan kundi sa ‘isang relihiyosong digmaan kay Satanas’.

“Ang labanang ito sa Armageddon ay isang talinghaga na ginagamit upang patungkulan ang isang digmaang panrelihiyon. Ito ay hindi digmaan sa pagitan ng mga bansa ngunit ito ay mga relihiyosong grupo. Napakaraming simbahan sa mundo, hindi mabilang. Samakatuwid, ito ay isang digmaan ng mga relihiyon.”

Mula nang itatag ito noong 1984, ang Shincheonji Church ay nagsusumikap na ituro ang aklat ng Pahayag sa lahat. Ang simbahan ay lumalagdad ng Memorandum of Understanding kasama ang mga pastor, simbahan at mga paaralan ng teolohiya sa buong mundo upang ibahagi ang kanilang mga materyal na pang-edukasyon tungkol sa aklat ng Pahayag

, upang hikayating silang unawain at suriin ang kanilang mga katuruan.

“Ako ay isang magsasaka lamang. Ang tanging meron ako ay ang nakita at narinig ko lang. Ngayon kung may mali sa sinasabi ko, dapat akong itama… Hindi ako naghahabol ng pera, katanyagan o awtoridad, interesado lang akong ipatotoo ang salita ng Diyos nang maayos. Sapagkat sa pamamagitan nito, darating ang kaharian ng Diyos at tayo ay papasok sa kaharian ng Diyos na ito at tayo ay mabubuhay kasama ng Diyos magpakailanman. Iyon lang ang gusto ko,” wika ni Chairman Lee.

Bukod sa kanyang mga gawaing panrelihiyon, naglakbay din si Chairman Lee sa mundo upang isulong ang pandaigdigang kapayapaan at pagtigil ng digmaan, dulot ng kanyang malagim na karanasan noong Korean civil war.

“Kapag may digmaan, namamatay ang mga tao. Ako mismo ay nakipaglaban sa isang digmaan, naglingkod ako sa militar. Minsan, ipinaliwanag ko ang mga bagay na ito sa isang sementeryo kung saan namatay at inilibing ang mga taong nakasama kong maglingkod. Ang digmaan sa mundo ay kailangang magwakas at kailangan nating gawing realidad ang kapayapaan. Wala nang mas malaking gawain kaysa sa pagtupad nito. Dapat tayong maging mga mensahero ng kapayapaan, bawat isa sa atin”.

Naniniwala siya na ang pagkamit ng kapayapaan ay ‘ang pinakadakilang layunin at pag-asa ng isang relihiyosong tao.’ #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Isang Pinuno ng Relihiyon mula South Korea, Nagpatotoo na ang Aklat ng Pahayag ay Natutupad na

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: