COVID-19 PH NEWS

“No Vaxxed, No Ride!” simula sa Lunes, Enero 17

MANILA Philippines — Bawal na bumiyahe ang mga hindi bakunado simula sa darating na Lunes, Enero 17, sa mga pampublikong transportasyon sa buong Metro Manila, ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade.

Matapos na magpulong ang Metro Manila Mayors na nagkasundo ng paghihigpit o restriksyon sa mobilidad para sa mga unvaccinated individual sa NCR.

Nakapagpasa na rin ng ordinansa na nagbabawal sa mga hindi bakunadong indibidwal na pumasok sa mga mall at establisimiyento sa iba’t ibang localities.

Ang naturang polisiya ng Department of Transportation (DOTr) ay nakatuon lamang sa National Capital Region na nasa Alert Level 3.

“All concerned attached agencies and sectoral offices of DOTr are directed to ensure that operators of public transportation shall allow access or issue tickets only to ‘fully vaccinated persons’ as evidenced by a physical or digital copy of an LGU (local government unit)-issued vaccine card, or any IATF-prescribed document, with a valid government-issued ID with picture and address,” nakasaad sa ordinansa ng DOTr.

Aniya, kailangan na ipakita ng commuters ang vaccine card kapag sasakay ng tren, bus, at jeepney. Exempted naman ang mga may sakit na hindi maaring bakunahan basta mapatunayan lamang nila na sila ay hindi pinahihintulutan ng kanilang mga doctor.

Samantala, tila hindi raw napaghandaan o walang konsultasyong naganap ang pamunuan ng DOTr sa hanay ng PISTON para pag-usapan ang inihandang polisiya na magsisimula na sa darating na Lunes. ##

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on ““No Vaxxed, No Ride!” simula sa Lunes, Enero 17

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: