Lolo, inaresto dahil sa pagnanakaw ng mangga, nakalaya na! Mga Celebrities nais ding magbigay tulong

Read Time:1 Minute, 18 Second

[RBM]

Nang dahil lang sa mangga na inaanggkin ng kapitbhay.

Maluha-luha ang isang 80-anyos na lolo na si Lolo Narding Floro na nakulong sa Asingan Police Station dahil sa kasong pagnanakaw ng Mangga.

Sa ipinoste ng PIO-Asingan, gusto na raw ni lolo Narding na umuwi na sa kanyang bahay.

Ayon sa salaysay ni Lolo Narding, “Pinapitas ko ‘yung isang puno ng manga wala pang sampung kilo, ang alam ko sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman yun…”

Dinakip si lolo Narding sa bisa ng arrest warrant nitong Enereo 13 sa Barangay Bantog.

Ayon pa sa salaysay ni Lolo Narding, nais niya raw na makipagsundo dahil sa maliit na bagay o problema ang nangyari. Noong ibibigay na raw ni Lolo Narding ang bayad, ayaw daw itong tanggapin ng kanilang kapitbahay. Aniya, dapat daw bayaran ni Lolo Narding ng halagang P6,000 piso.

Naglaan naman ang korte ng piyansa sa halagang P6,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dahil na rin sa edad at kondisyon ng matanda, nagkusang mag-ambag ang mga pulis sa Asingan para mabuo ang P6,000 piso na pang-piyansa kay Lolo Narding.

Umani ng samu’t saring komento at reaksyon sa mga netizen ang nangyari kay Lolo Narding na tila walang-awa ang kapitbahay ng matanda at ipinakulong pa ito.

Samantala, tuluyan ng nakalaya si Lolo Narding sa tulong na rin ng mga pulis at iba pang concern citizens. Matapos umusbong ang isyu na ito, maraming mga sikat na celebrities ang nais magbigay tulong din kay Lolo Narding. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Seth Fedelin pinag aagawan dahil Daks?
Next post BAGONG MANILA ZOO MALA-LUXURY ANG DATING

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: