fbpx
Thursday, May 2, 2024
PINAY CASHIER SA AMERIKA, BINIGYAN NG PARANGAL

PINAY CASHIER SA AMERIKA, BINIGYAN NG PARANGAL

0 0
Read Time:1 Minute, 27 Second
Ni Sid Samaniego

 

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

GROVE CITY, PENNSYLVANIA — Ginawaran ng parangal ang isang Filipina sa Amerika dahil sa kaniyang nakakabilib na dedikasyon sa trabaho bilang isang Cashier.

 

Ang 54-anyos na Cashier na si Grace Cuello De Guzman na tubong Brgy. Bagbag I, Rosario, Cavite ay ang kauna-unahang Pilipinong nakatanggap ng Outstanding Customer Award, na kinikilala ang mga natatanging manggagawa sa Grove City Countymarket sa Grove City, Pennsylvania.

Ang award na ito ay iginawad kay De Guzman nitong Enero 18, 2024 matapos na mapigilan at matulungan ang isang matandang babae na magpapadala sana ng 5,000 US Dollar sa isang hindi kilalang lalaki na sa huli ay isa pa lang scammer.

Laganap sa Amerika ang iba’t ibang panloloko sa mga elderly na madalas napapabalita sa mga TV at radio news program.

Ayon sa pangyayari, sa loob mismo ng kanyang pinagtatrabahuhang kumpanya ni De Guzman naganap ang tangkang panloloko.

Ilang beses nang bumalik ang matandang babae upang magpasalamat sa Pinay cashier. At nagbigay pa nga ito ng giftcard.

 

“Sabi ko hindi na niya kailangan na bigyan ako ng kahit ano. Ang importante ay natulungan ko sya. Niyakap niya ako ng mahigpit na may luha dulot ng saya”, kwento ng Pinay Cashier.

 

37 taon nang naninirahan ang Pinay Cashier sa Amerika at may mensahe sa mga kapwa Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa.

 

“Kahit anong trabaho ang papasukin natin ay maging tapat, matulungin at wag kalimutan ang pakikisama. At higit sa lahat, wag kakalimutang magpasalamat kay Lord”.

 

Ang Pinay Cashier ay binigyan din ng kanyang employer ng 2 minutong pagkakataon upang humakot at mamili ng anumang produkto ng libre. ###

 

Photo credit: Ms. Grace Cuello De Guzman

About Post Author

Diyaryo Milenyo Digital News

DIYARYO MILENYO is an autonomous and non-profit online media organization that reports local community events and current affairs of public interest, with both national and global relevance. Our team consists of volunteer journalists and community writers from diverse locations across the Philippines. Our primary objective is to report news and events as they unfold while adhering to journalism's highest standards and ethics. We maintain a strict stance against publishing content that attacks individuals and prioritize highlighting positive news.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

BALITA Espesyal OFW News Photo News Sid Samaniego Viral Now

You May Have Missed

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading