Press Release

Media sa Asya, Nagtipon para sa Kapayapaan

[Press Release]

Noong ika-29 ng Enero, ang Appointment ng HWPL Publicity Ambassadors & MOU Signing Ceremony na pinangunahan ng Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) ay ginanap online. May 32 na dumalo kabilang ang 16 na media professionals mula sa Asya at mga miyembro ng staff ng Public Relations Department ng HWPL.

Ang HWPL ay isang internasyonal na organisasyong pagkapayapaan na nakabase sa Korea at nakarehistro sa ilalim ng UN DGC at UN ECOSOC. Mula noong 2013, ang organisasyon ay nakatuon sa iba’t ibang mga aktibidad para sa kapayapaan sa mundo at pagtigil ng digmaan. Ang 12 sangay ng HWPL ay nakikipagtulungan sa media mula sa 197 na bansa. Kabilang sa mga ito, mayroong 176 na mga publicity ambassador mula sa 69 na bansa, at 23 na media mula sa 20 bansa ang pumirma rin sa MOU kasama ang HWPL (hanggang Disyembre 2021).

Ang HWPL Publicity Ambassadors ay mga public figure na nagsisikap na itigil ang mga digmaan at itatag ang kapayapaan sa kani-kanilang mga larangan upang ipamana ang kapayapaan para sa mga susunod na henerasyon. Partikular ang papel na ginaganapan ng mga ambassador ng media sa pagpapalaganap ng balita ng mga hakbangin sa kapayapaan kabilang ang peace legislation, interfaith harmony at peace education maging ang pagpapataas ng kamalayan ng publiko sa kapayapaan. Ang mga kumpanya ng media na pumipirma ng MOU sa HWPL ay hindi lamang nag-uulat ng mga balita tungkol sa mga inisyatiba, sila ay aktibong nakikipagtulungan din sa pag-oorganisa ng mga programa.

Ayon kay Alice Kim, General Manager ng Asia Public Relations Department sa HWPL, ang layunin ng appointment ceremony na ito ay palawakin ang impluwensya sa pagpapalaganap ng kulturang pangkapayapaan sa mga bansang Asyano sa pamamagitan ng pagtalaga ng mga publicity ambassador at paglagda ng MOU.

Sa pakikipagtulungan sa HWPL sa loob ng 6 na taon bilang Publicity Ambassador, ipinahayag ni Piya Ratja Maharjan, Presidente ng Track Nepal, “Bilang isa sa mga publicity ambassador, ang paglilingkod sa publiko sa front line at pagdadala ng kapayapaan sa buong mundo ay ang trabaho naming mga media. Umaasa ako na ang mga bagong itinalagang publicity ambassador ay susunod, at tayo ay magkapit-kamay at magtatag ng kapayapaan sa mundo magpakailanman.”

Ang highlight ng kaganapan ay ang pagtalaga ng 15 HWPL Publicity Ambassadors (5 sa Indonesia, 2 sa Nepal, 8 sa Pilipinas) at ang paglagda ng Memoranda of Understanding (MOU) kasama ang 7 organisasyon ng media (2 sa Nepal, 4 sa Pilipinas, 1 sa Taiwan). Nang may iisang boses, ipinahayag nila ang commitment message, “Ako, bilang isang mamamahayag ng kapayapaan, ay mangunguna sa paghahatid ng mas maraming balitang pangkapayapaan sa sambayanan.”

Ipinahayag ni Vinson Concepcion, Information Center Manager ng Philippine Information Agency – Bulacan, ang kanyang resolusyon bilang bagong HWPL Publicity Ambassador, “Makakaasa kayo na ibibigay ko ang lahat ng aking suporta, pangako sa inyong adbokasiya at makikipagtulungan upang makamit ang napapanatiling kapayapaan at ipapaalam sa mga tao na ang kapayapaan ay makakamit sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga sektor lalo na ng media upang mas marami ang maabot at maging bahagi ng ating pamilya ng kapayapaan.”

Ayon naman kay Rana Setiawan, isang mamamahayag ng Mina News mula sa Indonesia, “Ang estratehikong papel ng media ay nasa paggawa ng mga balita na nagtataguyod ng kapayapaan upang makapagdala ng mga pagbabago sa pag-uugali ng mga tao sa positibong direksyon at mapagtagumpayan ang mga pambansa at pandaigdigang hamon na dulot ng poot, tunggalian, hindi pagkakaunawaan at kawalan ng komunikasyon, lalo na sa gitna ng patuloy na pandemyang ito at sa hinaharap. Kasama ang HWPL, lumikha tayo ng napapanatiling kapayapaan sa mundo.”

Sa kanyang talumpati ng pagbati, si Jeong Hoi Hyeon, Punong Pinuno ng Sangay ng Southern Seoul at Sangay ng Gyeonggi ng HWPL, ay nakiusap sa mga bagong hinirang na Publicity Ambassadors na makiisa sa gawain ng kapayapaan, “Lahat ng mga resulta ng aming mga inisyatiba, katulad ng peace legislation, interfaith harmony at peace education, ipinagkakatiwala namin ang mga ito sa inyong mga kamay. Nawa’y patuloy ninyong ipalaganap ang magagandang resulta ng gawaing pangkapayapaan na ito hanggang sa dumating ang panahon na makamit natin ang napapanatiling kapayapaan para sa ating susunod na henerasyon.” ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: