
National ID, kikilalanin na sa lahat ng transaksyon
MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 162 kung saan ay maaari ng tanggapin ang National ID bilang sapat na katibayan ng pagkakakilanlan ng isang tao sa lahat ng transaksyon sa bansa upang mas mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo sa gobyerno, pribado at iba pang mga transaksyon na ginagamitan ng ID.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ayon kay Pangulong Duterte, sinabi nito na ang PhilSys (Philippine Identification System) ang magiging sentro ng identification paltform ng gobyerno para sa lahat ng mga mamamayan at residenteng banyaga sa bansa.
Nakapaloob din ito sa Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act, kung saan ang record ng isang mamamayan sa PhilSys ay ikokonsiderang sapat na patunay ng identidad ng isang indibiduwal.
Ang PhilSys din ang magsisilbing opisyal na identification document na inilalabas ng gobyerno at opisyal na katibayan ng identity ng mga cardholders sa pakikipag transaksyon sa lahat ng ahensiya sa pamahalaan.
Tinukoy din na dapat itong tanggapin ng mga bangko at pinansyal na institusyon na sumunod sa guidelines na inilalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas at iba pang regulatory agencies na may kauganayan sa usaping ito. ###