Entertainment Showbiz

Kaladkaren matutuloy na ang kasal!

[by Athena Yap]

Sa wakas ay masasakatuparan na ang dream wedding ng TV Host, comedian na si Kaladkaren.

Ayon sa chika ni Kaladkaren sa isang morning show, naudlot kasi ang kasal nila na dapat ay ginanap noong 2021.

Matatandaang September 2020 ay nagpropose sa kanya ang British Boyfie na si Luke Wrightson.

Samantala, nagpasalamat naman si Kaladkaren sa boyfie niya sa pag tanggap sa kaniya ng buong-buo.

“Thank you for accepting me for all who I am. We’ve been together 10 years, still everyday that I wake up I still choose to love you” mensahe pa ng host sa dyowa.

At syempre, dahil d’yan ay nabuhayan ng pag-asa ang mga netizen na bahagi ng LGBTQ para sa kanilang love life. #DM

%d bloggers like this: