NATIONAL NEWS

DAGDAG PASAHE HIRIT NG MGA TSUPER, HINDI FUEL SUBSIDY

[RBM]

Kahit na tutol sa dagdag-pasahe sa minimum fare sa mga pampublikong transportasyon ang Department of Transportation (DOTr), tuloy pa rin ang mga Tsuper na taasan ang minimum na pasahe kahit na may fuel subsidy pa.

Ito’y sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa kung kaya’t ganun na lamang ang hinanaing ng mga Tsuper na taasan din ang kanilang pasahe.

Inihayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules ng umaga, na ang pagpapatupad ng fare hike o taas-pasahe ay makaaapekto rin sa inflation rate.

“Kaya nga ang position ng Department of Transportation ngayon, ‘yung Kagawaran ng Transportasyon, ay hindi ho magtaas ng fare hike,” saad ni Tugade.

“Kasi ‘yung impact ng fare hike… tatamaan ho ‘yung tinatawag natin na inflation rate. Kaya ang position namin, ‘wag kayo magtaas ng pasahe, tanggapin ang ayuda, gamitin ‘yung subsidiya,” paglalahad pa ni Tugade.

Sa mga nakaraang pag-uulat, ilang transport group ang naghain ng petisyon sa Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at humihiling ng dagdag-pasahe, dahil sa patuloy na pagsirit ng presyo ng krudo dulot pa rin ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ang naturang petisyon ay patuloy pa ring dinidinig ng LTFRB habang nananatili pa rin ang minimum fare sa P9.

Samantala, kasalukyang namamamahagi ang LTFRB ng P6,500 fuel subsidy para sa bawat public utility vehicle operator. 

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “DAGDAG PASAHE HIRIT NG MGA TSUPER, HINDI FUEL SUBSIDY

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: