Entertainment Showbiz

Angel Locsin may problema sa Thyroid

[by Athena Yap]

Kaliwa’t kanan ang mga Marites sa pagtatanong kung kailan kaya magkakaroon ng baby sina Angel Locsin at ang mister na si Neil Arce. Kaya sa nakaraang vlog ay isiniwalat ng aktres sa interview with Ogie Diaz na siya ay may problema sa thyroid na tinatawag na “Hashimoto.”

Ayon kay Locsin, iyon umano ay autoimmune disease sa thyroid.

Hindi naman daw kailangan mabahala ang mga fan dahil naka-control naman ito at may proper medication naman siya.

Sa tanong naman kung ano ang nararamdaman niya sa sabay na pagbubuntis ng dalawang kaibigan na sina Dimples Romana at Angelica Panganiban, sinabi ni Darna na wala siyang pressure na nararamdaman.

“Pag oras mo na talaga, pag tingin ni Lord you’re ready, bibigyan ka naman niya ng blessing” pahayag ni Angel.

“Moment pa nila yun, wag muna ako,” dagdag pa niya. ###

%d bloggers like this: