BALITA PROVINCIAL

SI PADER NAWAWALA

[Ni Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE: Kasalukuyang ipinapanawagan ngayon ang nawawalang pari na si Rev. Fr. Leoben Octavo Peregrino ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Most Holy Rosary – Reina de Caracol.

Si Fr. Perigrino ay umalis ng kumbento noong April 1, 2022 ganap na alas-9:30 ng umaga. Nakita pa siyang nagpa-gas sa Petron Station gamit ang sasakyang Mitsubishi Adventure ng kulay puti na may plakang VES 470 malapit sa SM Rosario humigit-kumulang alas-11:30 ng umaga.

Muli siyang nakita sa Robinsons Gen.Tri palabas ng pintuan. Mula noon ay hindi na muling nakita si Fr. Perigrino.

Huli siyan nakita na nakasuot ng kulay violet na t-shirt at maong na pants. Sa nakakaalam at nakakita kay Fr. Perigrino ipagbigay alam lang po sa numerong ito, 09178039253 at (046) 438-1785. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: