Dating World Champion Donnie Nietes, Food Delivery Rider nalang?

Read Time:1 Minute, 18 Second

Ni Billy Zapa

Trending ngayon sa social media ang nipost na larawan ng Legendary Pinoy Boxer at 4-division world champion Donnie “Ahas” Nietes, maraming fans ang nagulat sa nasabing litrato na ang dating kampeon ay nakasuot uniporme ng isang kilalang food delivery company.

May ilang fans duda baka naubos na raw ang pera na kinita nito sa pagboboksing kaya naging delivery rider nalang ang tubong Murcia, Negrense boxer ngayon. Pero marami pa ring supporters ni Nietes ang nagkomento ng positibong mensahe ukol dito. Kasunod ng litrato ay ibinahagi din ni sir Donnie ang video na nastranded ang kanyang motorsiklo sa isang maliit na sapa.

“Tawo man ni naungot na’ko diri, mayad na pang ano kuan ni nga sapa ano tawag diri – ungot na’ko” ani – Donnie Nietes (Bisaya Dialect)

Huling lumaban si Nietes July 2022 kontra Kazuto Ioka ng Japan at natalo ang pinoy via unanimous decision, matatandaan na maraming karangalan nang ibinigay si Nietes sa Pilipinas, matatawag na isa siya sa pinakamagaling na boksingero sa kasaysayan ng Philippine Boxing.

Napag-alaman ng Diyaryo Milenyo News sa malapit na kaibigan ng dating kampeon na masipag lang talaga si Nietes maghanap buhay lalo na kapag walang nakaschedule na laban, busy ito sa delivery gamit naman ang sariling truck kaya ang pagiging food delivery rider ay normal lang daw para kay Nietes dahil sadyang masipag lang talaga. Marami na ring napundar na ari-arian ang 40-anyos Donnie Nietes sa kanyang karera sa boksing ay nag-iwan ng magandang imahe at napaka-responsableng tao sa loob o labas man ng ring. ##

Happy
Happy
50 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
50 %
Previous post Gilas Final 13-Man Lineup para sa 5th Window Inilabas na!
Next post DTI busts almost P5M worth of uncertified products in NCR 
%d bloggers like this: