fbpx
Sunday, May 5, 2024
Suzette S. Doctolero, Gagawaran ng KWF Dangal ng Panitikan 2023

Suzette S. Doctolero, Gagawaran ng KWF Dangal ng Panitikan 2023

0 0
Read Time:1 Minute, 0 Second

[Press Release]

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Gagawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino si Suzettte S. Doctolero ng KWF Dangal ng Panitikan 2023 sa KWF Araw ng Parangal na gaganapin sa 27 Abril 2023, 10:00 nu–12:00 nt, Grand Ballroom, Hotel Lucky Chinatown, Binondo, Lungsod Maynila.

Ang kaniyang kontribusyon at hindi matatawarang ambag sa larangan ng telebisyon na nagtampok sa iba’t ibang kulturang Pilipino gamit ang wikang Filipino ay natunghayan ng mga Pilipino sa kaniyang mga obra gaya ng Encantadia, Amaya, Indio, Sahaya, Legal Wives, at Maria Clara at Ibarra. Bílang eskperto sa larangan ng malikhaing pagsulat ng iba’t ibang obra ay patuloy niyang isinulong at pinasigla ang Panitikan Pilipino sa telebisyon at industriya ng pelikula.

Nakapagbigay rin siya ng mga panayam sa iba’t ibang institusyong pang-akademiko bilang kaniyang adbokasiya na makapagbahagi ng kaalaman sa mga estudyante hinggil sa iba’t ibang aspekto ng pagsusulat sa telebisyon at pelikula.

Ang Gawad Dangal ng Panitikan ay ang mataas na pagkilála sa naiambag sa panitikang Pilipino o lifetime achievement award. Binibigyang-pagpupugay nitó ang natatanging manunulat na nagpakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at ibá pang wikang panrehiyon o panlalawigan. ###

About Post Author

Diyaryo Milenyo Digital News

DIYARYO MILENYO is an autonomous and non-profit online media organization that reports local community events and current affairs of public interest, with both national and global relevance. Our team consists of volunteer journalists and community writers from diverse locations across the Philippines. Our primary objective is to report news and events as they unfold while adhering to journalism's highest standards and ethics. We maintain a strict stance against publishing content that attacks individuals and prioritize highlighting positive news.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Campus Press Release

You May Have Missed

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading