
PBBM, Inaprubahan ang pagtanggal ng public health emergency status sa bansa – DOH
Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtanggal ng public health emergency status sa bansa, ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa ngayong Martes, Hulyo 4.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
“Yes, actually, this was one of his first instructions to me, to really get out of the COVID pandemic,” pahayag ni Herbosa sa isang briefing na naganap sa Malacañang.
Nang tanungin kung maglalabas ng executive order ang Pangulo kaugnay nito, sinabi ni Herbosa na hinihintay na lamang niya ang resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) na inilabas ng kanyang predecessor.
“So, if that is not yet signed, I will follow it up with a reiteration. Because I think, at that time, they were still hesitant because there was still the problem of how we get the bivalent if we lift it. But now, I think that obstacle is gone, kasi may CPR (certificate of product registration) na tayo and everything,” ani Herbosa.
Itinuturing ngayon ng WHO at ng mga doktor ang COVID-19 bilang isa sa mga respiratory illnesses, ayon pa rin kay Herbosa.
“There is still the risk of death for vulnerable people which is the elderly and those with medical conditions, immunocompromised. But the number of deaths has really declined,” dagdag ni Herbosa.
Bagama’t inirerekomenda na ng IATF ang pag-lift o pagtanggal ng nasabing health restriction sa bansa ngunit kinakailangan pa rin itong pag-aralan ng mgaa eksperto at ng Office of the President ang pagtukoy sa mga konsiderasyon tulad ng kahihinatnan ng hakbanging ito kung sakaling opisyal na itong alisin, kabilang ang bisa ng Emergency Use Authorization (EUA) para makuha ang bivalent vaccines. #RBM
Photo: Google