Read Time:2 Minute, 13 Second

Ni Rick Daligdig

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

 

Hindi pa tapos ang kalbaryo ng ating mga kababayan! Gaya ng inaasahan ni Juan dela Cruz, muling umangat ang buwanang inflation rate ngayong taon. Ito ay pumalo sa 5.3% nitong Agosto, higit na mas mataas sa 4.7% nitong Hulyo.

Sa kasalukuyan, ang Year to date inflation ay nasa 6.6% malayo sa pangarap ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa target na 2-4% para sa 2023.

Ang mabilis na pagtaas ng presyo ng langis sa world market at ang pagsipa ng presyo ng pagkain ang mga pangunahing dahilan kaya muling umangat ang inflation matapos ang sunud-sunod na buwan ng pagbaba nito

Kung ating titignan ang rice inflation ay napako sa 8.7% kumpara sa 4.2% ng nakaraang buwan. Bukod sa mahinang produksyon sa ating bansa bunga ng mga pagkukulang sa sector ng agrikultura, ang pasyang hindi pag-eexport ng bigas ng mga bansang Myanmar at India na lalong nagpapataas ng presyo nito.

Sa kalakan ng langis naman nagpahayag naman ang mga bansang Saudi at Russia na tuloy ang kanilang bawas produksyon ng langis sa kabila ng mahigpit na suplay nito at mataas na demand. Nangangahulugan ito na kailangan pa ng lalong paghihigpit ng sinturon natin para mapagkasya ang ating kinikita.

Tila hindi pa rin tayo makakahinga dahil muling umangat ang Pambansang Utang (National Debt). Nitong Hulyo ito ay umabot na sa P14.24 trillion mataas ng 0.7% o katumbas ng P14.15 T ng Hunyo. Mahigit 68.9% ng utang na ito ay mula domestic o local na utang at ang iba ay mula sa foreign loan.

Ayon sa Bureau of Treasury, “The increment in the domestic portfolio was attributed to the P110.39 net issuance of government bonds driven by the NG’s financing requirements, offsetting the P0.85 billion effect of local currency appreciation against the US dollar on onshore foreign currency-denominated securities,” Nakatulong naman ang pag-angat ng Piso laban sa dolyar para pagbabayad ng utang nito sa panlabas o debt servicing.

Isa pa ring medyo hindi magandang balita ay ang pagtaas din ng unemployment ng Hulyo sa 5.8% mula sa 4.5% ng Hunyo. Nangyari pa ito sa panahon na kelangan ng ating mga kababayan ng pagkakabuhayan sa harap ng napakataas na bilihin natin. Nakita din sa ginawang survey na mas mahabang oras na ang nilalaan ng mga empleyado para madagdagan ang kanilang take home pay.

Kaya pa ba mga kababayan? Hindi naman nagpapabaya ang pamahalaan sa paghahanap ng solusyun sa mga suliranin na ito. Sana sa susunod na statistics na ilalabas ng Philippine Statistics Authority ay maganda na ito para mabawasan naman ang pasanin ng mga Pilipino. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post PH Gov’t, Groups To Join World Peace Summit in Korea To Build Multidimensional Strategies for Institutional Peace
Next post British Council launches Connections Through Culture (CTC) grant for 2023-24 awarding up to PHP 700,000

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: