Sammy Manese, pumanaw na
Read Time:52 Second
Rest in peace, Sammy
Pumanaw na ang Content creator na si Sammy Manese ngayong Miyerkules, Nobyembre 29 na kinumpirma naman ng kaniyang pamilya.
Bumuhos naman ang mensahe ng pakikiramay mula sa libu-libong netizens at mga kapwa vlogger sa biglaang pagpanaw ni Sammy.
Si Sammy ay isa sa mga vlogger na sumikat sa kanyang mga nakakaaliw na lip sync at dance videos sa Tiktok.
Sinimulan niya ang kanyang social media career sa murang edad na 13 sa Tiktok.
At dahil na rin sa kwelang personalidad at pagiging mahusay nito ay agad siyang naging internet sensation at maging sa Youtube. Pinasok ni Sammy ang pagyu-Youtube kung saan una itong napanood sa kanyang video na “How To Make a Thumbnail.”
Lingid sa kaalaman ng karamihan, may sakit sa puso ang vlogger at ito nga ang naging dahilan ng kanyang pagpanaw.
Matatandaan na minsan niyang ibinahagi ang kanyang health condition na malaki umano ang kanyang puso na tipong nalulunod umano ito dahilan kung bakit nahihirapan siyang huminga. Rest in peace, Sammy.
You must be logged in to post a comment.